Pilipino, ako ay Pilipino. Bilang
isang Pilipino, marami akong maipagmamalaki na kultura at tradisyon. Kung sa nakaraan ay nasakop ang ating bansa. Kahit ilang bagyo at lindol pa ang naranasan, hinding-hindi malilimutan ang pag-ngiti ng mga labi, at kahit ilan ang sumira sa ating tradisyon hindi parin tayo nag papaapekto at ipinagpatuloy parin ang pag diriwang ng mga tradisyon at kulturang Pilipino.
Kaming mga Pilipino, sanay sa simpleng pamumuhay. Maka-Diyos, Maka-Tao, masayahin, magalang, at matulungin. Ito ang mga kaugalian ng isang Pilipino, at iyan ang dahilan kung bakit ako ay laging handang ipagsigawan na ako ay Pilipino. Sa Pilipinas, hindi kumpleto dito kung walang pagdidiwang ng selebrasyon ang mangyayari, isa sa mga nakagisnan ko ay ang pagdiriwang ng fiesta. Ang pagdidiwang nga mga selebrasyon kagaya nito ay masaya at saglit na malilimutan ang mga problema. Mga paniniwala ng mga nakakatandang Pilipino ay ang bawal magwalis kapag gabi. Kung sa kasalan naman, bawal isukat ng babae ang kanyang damit-pangkasal.
Pinoy nga naman! Maraming kasiyahan ang nagaganap san kaman sa Pilipinas dadapo. Bilang isang mamayang Pilipino, handa kong ipagmalaki na "It's more fun in the Philippines".